Responsive image

COVID 19 EXPANDED AND TARGETED TESTING FOR MARKET VENDORS

Sa libreng Expanded and Targeted Testing ng Rizal Provincial Government, iba't ibang Public Markets o mga Pamilihang Bayan ang ating patuloy na pinupuntahan. Sa ginanap na testing sa Cainta Public Market kamakailan, 367 na market vendors sa palengke ng Cainta ang na-test kung saan 49 sa mga ito ang nagpositibo sa Rapid Test kaya minarapat na isailalim muna sila sa isolation and quarantine habang inaantay ang resulta ng kanilang confirmatory RT-PCR Testing o swab test. Naka-schedule na rin ang iba pang mga Public Markets para ma-test ang mga tenants at vendors at maiwasan na rin ang pagkalat ng COVID-19 lalo na sa matataong lugar katulad ng palengke.
August 26 - Taytay Public Market
August 28 - Morong at Cardona Public Markets
August 31 - San Mateo Public Market
September 2 - Angono Public Market
September 6 – Tanay Public Market
September 7 – Montalban Public Market
September 9 - Pililla at Jalajala Public Markets
September 11 - Teresa at Baras Public Markets
Samantala, ang Binangonan at Antipolo LGU ay nauna nang nagsagawa ng sarili nilang testing sa kani-kanilang public markets.